Ex-kagawad sugatan sa gunman
Pabs Hernandez III
Nov 30, 2018
1 min read
PANGASINAN—Isang dating kagawad ang sugatan nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa bayan ng Bugallon sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si ex-Kagawad Rheo Sales, residente ng Bgy. Salasa sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, pauwi na si Sales nang sumulpot ang suspek at agad binaril ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi si Sales sa ospital, samantalang, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek.





Comments