Batang babae ginahasa
- Pabs Hernandez III
- Nov 30, 2018
- 1 min read
BAGUIO CITY—Isang 13-anyos na batang babae ang ginahasa ng empleyado, kamakalawa sa Bgy. Lower QM sa lungsod na ito.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Ligaya”, samantalang, hindi muna pinangalanan ang suspek habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
Ayon kay “Ligaya”, dinala siya ng suspek sa boarding house nito at dito siya ginahasa.
Hinihintay na ng mga awtoridad ang resulta ng medical examination bago sampahan ng kasong rape ang suspek.





Comments