2 tulak todas sa drug-bust
CABANATUAN CITY—Dalawang drug pushers ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation sa Bgy. Zulueta sa lungsod na ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Edgardo Veneracion at alyas Erwin, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation sina Veneracion at “Erwin”, pero biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng putok kaya napatay ang mga suspek.





Comments