top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 29, 2018 (Huwe­bes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 29, 2018 (Huwe­bes): Malakas ang karisma mo at kapag ginamit mo ito sa negosyo, ang pag­yaman ay mapasasaiyo. Kaya sa negosyo mo itu­on ang iyong malakas na karisma.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Damdamin ang magha­hari sa iyo. Huwag mo itong laba­nan nang sa gayun ay mapa­saiyo ang kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-3-19-20-24-30-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag nalaman mong may nananamantala sa ka­baitan mo, huwag kang magagalit dahil ang kon­disyon para dumapo sa iyo ang malalaking su­werte ay ang maisa­han ka ng ibang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-27-39-42-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Pakiki­pag­balikan ang ibinaba­lita ng araw na ito. Hu­wag kang mag-alala dahil sa pagkaka­taong ito, hindi ka maa­agra­biyado. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-5-11-16-24-34-41.

CANCER (June 21- July 22) - Ngayon na ang araw na hinihin­tay mo kung kailan sunud-sunod ang pagdating ng mga suwerte sa iyong bu­hay. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-13-25-30-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag kang mag­sasawa sa ka­papayo sa ta­ong alam mong matigas ang ulo. Ang punong patu­loy na inaalog, sa kataga­lan ay nahuhulog din ang mga bunga. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-18-20-21-27-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtiwala ka sa sarili mo. Noong nagti­wala ka sa iyong sarili, ma­lalaking pakinabang ang napasaiyo. Kaya muli mong ibalik ang tiwala mo sa iyong sarili. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-pink.Tips sa lotto-1-18-21-29-33-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling nag­ba­balikan ang mapapalad mong mga araw. Ihanda mo ang iyong sarili na itak­wil ang mga hindi ma­gagandang gawi at ugali nang sa gayun ay hindi ma­sayang ang mga masusu­werteng araw mo. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-14-15-26-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paniwa­laan mo ang iyong kutob na yayaman ka sa negosyo. Ang pag-aalinlangan ay hadlang sa iyong tuluy-tu­loy na pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-18-22-26-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aangat pa ang buhay mo kaya hu­wag kang mainip na mag­hintay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-16-25-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pilitin ang ayaw su­munod sa iyo, ito ay para makaiwas ka sa babala nang pagkakaroon ng ka­ramdaman. Muli, ang ayaw sumunod ay huwag mo ng pilitin pa. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-24-38-39-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakaga­gaan ng ka­loo­ban ang pag­tanggap. Ito rin ay nagbi­bigay ng pagkakata­on para sa mga bagong kabanata ng buhay. Ito ang men­sahe para sa iyo ngayon. Masu­werteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-14-27-30-35-41-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kontrolin mo ang iyong sa­rili dahil nag­ba­babala ang araw na ito na tatalunin ka ng awa sa taong hindi na­man dapat kaawaan. Muli, kontrolin mo ang iyong sa­rili. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lot­to-11-18-20-25-36-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page