Rhian, dawit… BARBIE AT JM, BUKING NA WAR!
- BULGAR

- Nov 28, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

ALAM ng lahat ang naging pagsubok ni JM de Guzman nang dalawang beses itong pumasok sa rehab center para tuluyang talikuran ang kanyang masamang bisyo.
Kaya no wonder, pumalag ang aktor sa pang-iinis sa kanya ng isang basher patungkol sa dati niyang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sa comment section ng Instagram post ni JM nitong Lunes (November 26), nag-iwan ng malisyosong comment ang isang netizen na may account name na @roytanchuan at sinabing: “shabu pa more.”
Iginiit ni JM na hindi dapat gawing katatawanan ang hirap na pinagdaanan niya noon, kaya agad itong sumagot ng, “hahahha kinaya ko at marami kaming lumampas at lumaban jan brad.
“Marami na ding namatay para mahiya ka ng kaunti sa sarili mo.
“Oo nga pala partida dumaan pa ‘ko du’n sa madilim na lugar na ‘yun.. um. sino ka nga ulit?” pagdidiin nito.
May isa pang netizen ang bumanat kay JM na puro pagpapapogi lang daw ang alam nito kaya inutusan siyang bumalik na lang sa rehab center.
Sinagot naman ito ni JM ng, “Pangit ka lang.”
Ang mga pambabatikos na natatanggap ni JM ay nagsimula sa isyung hindi nila pagkakaunawaan ni Barbie Imperial, ka-love team niya sa seryeng Precious Hearts Romances Araw Gabi. Dawit din sa isyu ang leading lady ni JM sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala na si Rhian Ramos na diumano’y nali-link sa aktor.
Sa kabila nito, sinigurado ni JM sa kanyang mga bashers na pinagtatawanan lang niya ang mga isyu at pambabatikos na ibinabato sa kanya.





Comments