top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

RED SPIKERS, SINAKMAL ANG LADY CARDINALS SA NC VOLLEY

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2018
1 min read

NAPAHIRAPAN mu­na sa unang set bago dino­mina ng San Beda ang dala­wang natitirang frames upang sakmalin ang Ma­pua, 28, 25-17, 25-14 kahapon sa 94th NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Pangalawang sunod na panalo ng Lady Red Spikers matapos mataka­san ang Perpetual Help Lady Altas sa 25-21, 24-26, 20-25, 26-24, 15-12 mahi­rap na laban sa league opener noong Biyer­nes.

Humataw ng tig-14 hits sina Maria Nieza Viray at Sattriani Espiritu habang tumulong si Cesca Racrac­quin ng 13 points at 24 digs para sa San Beda.

Sina Viray, Espiritu at Racraquin ang sinandalan ng Lady Red Spikers ng kalusin nila ang Mapua sa first set.

Matapos ang pa­na­lo ng Mendiola-based squad San Beda sa set 1, biglang naupos ang tikas ng Lady Cardinals.

Samantala, pinayuko ng San Beda ang Mapua, 20-25, 25-19, 25-20, 22-25, 15-5, upang ilista ang u­nang panalo sa dalawang laro sa men’s side.

Kumana si Jeffrey Losa ng 22 markers kasama ang 21 spikes habang may kinana sina Angelo Mi­chael Flores at Joma Ama­gan ng tig 18 at 15 puntos ayon sa pagka­kasunod para sa Red Spikers. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page