top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad... BINATANG NAKATAKDANG MAGKA-GIRLFRIEND SA SUSUNOD NA TAONG 2019

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 28, 2018
  • 3 min read

KATANUNGAN

  1. Wala akong girl­friend kaya naisipan kong kumonsulta sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend?

  2. May nililigawan ako ngayon, kaya lang parang wala siyang gusto sa akin kasi tuwing sinusundo ko siya sa office nila, hindi na­­man niya ako pinapansin o kinikibo ka­pag magka­sama kami sa sasakyan at naglalakad sa kal­sada.

  3. Kaya madalas tuloy na nagmumukha akong tanga kapag kasabay ko siya.

  4. Sa ganitong sitwas­yon, Maestro, dapat ko pa bang ipagpatuloy ang panliligaw ko sa kanya at may pag-asa kaya akong sagutin ng babaeng ito, balang-araw?

KASAGUTAN

  1. Sa ganyang sitwasyon ng iyong buhay, Alvin, ka­pag sinusundo mo ang ba­baeng nililigawan mo, pero iniisnab ka naman niya at hindi kinikibo, kapag nag­tiyaga-tiyaga ka pa sa gan­yang karanasan, lalo ka lang magmumukhang tanga niyan!

  2. Kaya ang pinakama­buti mong magagawa nga­yon ay itigil mo na ang pan­liligaw sa nasabing babae sapagkat kung magpapa­tu­loy ka sa pagsundo sa kanya sa kanilang opisina, pero hin­di ka naman pala kinaka­usap, para ka lang naghaha­nap ng sakit ng katawan, damdamin at bulsa dahil gumagastos ka lang at nag­sasayang ng oras sa babaeng walang interes sa iyo. Ito ang nais sabihin ng may bilog at magulong unang bahagi ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa malapit na hi­naharap, maba-busted at ma­bibigo ka lang ng babaeng sinusuyo mo na pinagsusu­ngi­tan ka naman tuwing kayo ay magkasama.

  3. Subalit, kailangang mangyari ang unang kabi­guan sa pag-ibig upang sa susunod na panliligaw ay unti-unti ka nang matuto at kapag marunong ka nang manligaw, madali ka nang mag­kaka-girlfriend sa tak­dang panahong inilaan ng kapala­ran. At kapag maru­nong ka nang manligaw, ‘yung mga babaeng masu­sungit at hin­di palakibo ay kusa mo nang magiging ka­ibigan.

  4. Ang pag-aanalisang pagkatapos mabigo sa unang pag-ibig at magtatagumpay ka na sa mga susunod ay ma­dali namang kinumpirma ng gumanda at naayos ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa su­sunod na taong 2019, sa edad mong 25 pataas, tiyak ang magaganap, magkaka-girlfriend ka na rin sa wa­kas upang min­san pa sa la­rangan ng pa­ki­ki­pagre­las­yon ay maka­sum­pong ka na ng wa­gas at pang­habam­buhay na pag-ibig.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Noong panahon na­min, hindi pa uso ang cell­phone at FB, kaya hindi ma­daling manligaw dahil para maligawan at maging kai­bigan mo ang babae, tatra­bahuhin mo talaga kung saan pupuntahan sa opisina nila, ililibre ng pamasahe o kaya ay pagmemeryenda­hin, da­dalawin sa bahay kahit wa­lang sakit at magdadala ka ng regalo dahil nga nanu­nuyo ka, hindi lamang sa ba­baeng nililigawan mo kundi pati na rin sa mga kapatid at ma­gu­lang niya.

  2. Pero ngayon, moderno na ang panahon, may cell­phone at social media na kaya kahit 24 oras, puwede mong makausap at maka-text ang babaeng nililigawan mo, kahit na nasa bahay ka lang at gayundin siya.

  3. Sa ganitong estilo ng panliligaw, pa-load-load lang, hindi na masyadong magas­tos at abala sa oras. Kaya ka­pag ikaw ay lalaking wa­lang girlfriend o babaeng wa­lang boyfriend sa panahon ngayon, masasabing napag­iiwanan ka na.

  4. Habang, ayon sa iyong mga datos, Alvin, nakatakda na ang magaganap, kung patuloy kang manliligaw sa babaeng sinasabi mo, maba-busted ka lang upang pag­katapos mong mabigo sa unang pag-ibig, sa susunod na pan­liligaw sa taong 2019 sa bu­wan ng Abril o kaya ay Mayo, sa maliit, ma­puti at medyo tsinitang ba­bae ma­huhulog ang loob mo, kusa mo siyang kakaibiganin hang­gang sa makabuo na kayo ng kakaibang ugnayan sa isa’t isa.

Sa takdang pa­na­hon ay magiging girlfriend mo na siya at sa bandang huli ay ha­han­tong sa wagas at nakakikilig na relasyon ang inyong pag­mamahalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page