top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 28, 2018 (Miyeku­les)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 28, 2018 (Miyeku­les): Magdaratingan ang malalaking suwerte sa bu­­hay mo. Kaligayahan ang maghahari sa iyong kapa­laran ngayon. Ito ang men­­sahe para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang ma­la­kas na pu­wer­sang hu­mi­hila sa magagandang kapalaran, kaya magsaya ka! Lungkot ang sumisira sa takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-27-30-35-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ma­sasa­yang ang iyong mga pag­sisi­kap na ginawa at ga­ga­win pa lamang. Ang sa­yang ay ang mga pagka­kataong natakot kang mag­­sikap dahil baka mabigo ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-20-21-27-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Nangangamoy na ang simoy ng hangin nga­­yong kapaskuhan na ang dala ay mga regalo para sa iyo. Pero, sa maniwala ka o hindi, ngayon mo na matatanggap ang buwe­nas mo. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-4-8-11-14-17-23.

CANCER (June 21- July 22) - Dakila sa mata ng langit ang mga bata. Ito ang dahilan kung bakit madalas na mahulog sa iyo ang magagandang ka­palaran. Ikaw ay nakiki­tang malapit sa mga mus­­mos na bata. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-24-30-32-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Huwag ka nang gumawa ng paraan para sa mga hu­mihingi sa iyo ng tu­long. Dapat noon ka pa natuto. Masuwerteng ku­lay-yel­low. Tips sa lotto-17-20-28-30-31-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapos ka man sa kilos, susu­wertehin ka pa rin dahil sa mga araw na ito, hindi muna papansi­nin ng langit ang iyong mga kahinaan. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-24-33-36-40-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aani ka ng mga pangit na kapalaran na hahamon sa iyo. Ibig sabi­hin, kahit hindi mo patu­lan ang mga ito, makara­ranas agad sila ng ma­lu­lupit na mga kaganapan sa kanilang buhay. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-27-36-43-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pantay-pantay sa mata ng langit ang lahat ng nilalang. Mali ang akala ng mga mayaya­bang na sila ay nakahi­higit sa iyo. Ngayon, ikaw naman ang puwedeng mag­yabang. Masuwer­teng ku­lay-beige. Tips sa lotto-2-19-28-37-43-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka kakapu­sin ng magagan­dang kapalaran. Maraming ini­reserba ang langit para sa iyo na ikamamangha ng mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-5-14-29-31-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawa­kan mo nang mahigpit ang mga suwerteng ipinagka­kaloob sa iyo. Huwag mong tularan ang iba na ipi­nag­yayabang ang mga suwerte nila. Ito ang malaking pag­kakamali ng mga tao. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-19-20-24-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakagu­gu­lat dahil ma­wawalan ng mga suwerte ang mga ta­ong umaapi sa iyo at ma­pupunta ang kanilang ma­gagandang kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-10-25-36-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang ang pormula kung paano ka bubuwenasin. Mag­kun­­wari kang walang-wala, makikita mo biglang mag­daratingan ang mga su­werte mo. Noon ay ginawa mo na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-19-25-30-35-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page