Bukod sa paggamit ng lip balm, besh! TIPS PARA MAIWASAN ANG PAGIGING DRY NG MGA LABI
- No Problem
- Nov 28, 2018
- 1 min read

Mahilig ka bang maglagay ng kung anu-ano sa iyong mga labi, beshy? Don’t worry dahil narito ang ilang tips sa inyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng chapped lips:
1. ROSE PETALS. Ang petal ng rose ay mayroong skin nourishing properties dahil nagkokontamina ito ng Vitamin E. Nakatutulong din ito upang mapanatili ang natural na kulay ng ating mga labi.
2. CUCUMBER. The best naman talaga ang pipino pagdating sa pagmo-moisturize dahil ginagamit din natin ito para sa ating eyebags at dahil may watery effect ito napagagaling nito ang pagkakaroon natin ng chapped lips.
3. ALOE VERA. Ang aloe vera ay nakatatanggal ng dead layer of skin cells. Pinoprotektahan din nito ang balat ng ating mga labi dahil sa cooling effect na taglay nito.
4. GREEN TEA BAGS. May antioxidants at tannins ang green tea na nakatutulong upang gumaling ang natutuyong balat. Gayundin, nare-relieve nito ang burning sensation na nararanasan natin dahil sa dryness ng ating mga labi.
5. COCOA BUTTER. Ang essential na ito ay nagtataglay ng fatty acid na nakano-nourish sa ating balat. Tulad ito ng astringents, pero hindi gaanong matapang.
6. LEMON JUICE. Bukod sa nakade-detox ito ng katawan, epektibo rin ang lemon juice bilang gamot sa nangingitim at chapped lips.
Kaya huwag tayong puro kolorete, dapat ay mayroon din tayong lips care routine, mga beshy! Copy?




Comments