Lalo na sa madalas na sinisipon diyan, read n’yo ‘to, dali! HIGH-TECH DEVICE NA NAKATATANGGAL NG DUM
- BULGAR

- Nov 27, 2018
- 1 min read

DEHINS na ba effective sa inyo ang paggamit ng inhaler at pag-inom ng mga gamot para sa sipon at allergy? Don’t worry, beshy, dahil may device ng naimbento ang mga eksperto para mas madaling gumaling ang iba’t ibang sakit na inyong nararamdaman.
Ang Neti Pot ay ginagamit para sa nasal irrigation o pagtatanggal ng mga bakterya sa loob ng ilong.
Gumagana ang device na ito sa pamamagitan ng tubig at asin na pinaghahalo at saka inilalagay sa Neti Pot.
Ayon sa pag-aaral, sa kabuuang 330 physicians, 87 porsiyento ang nagrekomenda nito sa kanilang mga pasyente dahil napatunayan na nilang epektibo ang paggamit nito.
Gayunman, sa oras na gamitin ang Neti Pot, mapagagaling nito ang congested sinuses, colds, sinus infections, allergies, pregnancy-related sinus issue at snoring.
Bukod pa rito, murang-mura lang na mabibili ang Neti Pot at ngayon ay nagkalat na ang iba’t ibang klase nito sa merkado, kaya dehins na kayo mamumroblema kung saan bibili at makahahanap nito.
Samantala, sa paggamit ng Neti Pot, ang kinakailangan lang gawin ay itagilid ang ulo ng 45 degrees angle, huminga mula sa bibig at unti-unting ilagay ang liquid na nasa Neti Pot sa isang butas ng ilong sa taas ng nostril at pagkatapos ay gawin din ito sa kabila.
Oh, ‘di ba, sobrang easy lang, mga beshy?
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Try n’yo na ito at baka dehins kayo makasabay sa uso!
Makatutulong talaga ito para no more ngongo voice at dehins na kayo maghihilik sa gabi.
Copy?





Comments