top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 27, 2018 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2018
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 27, 2018 (Martes): Para sa iyo ang pagya­man, gayundin ang panalo sa hamon ng kapalaran. Ngayon magkakaroon ng katuparan ang mga am­bisyon mo sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sinu­mang humadlang sa kagustu­han mo ay ang langit mismo ang makakala­ban. Gawin mo na ang matagal mo nang gustong gawin sa buhay. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-4-12-25-29-30-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas ng loob ang ka­ilangan mo para simulan ang negos­yong iyong gusto. Maka­aasa ka na magtutuluy-tuloy na ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-17-24-25-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang paawat! Oo, hindi ka dapat sumunod sa mga pumipigil sa gusto mo. Walang karapatan ang sinuman para makialam sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-20-25-31-32.

CANCER (June 21- July 22) - Umuun­lad ang may ambisyon at ang mga walang ambis­yon ay nananatiling ing­gitera. Dapat kang mapa­bilang sa una. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-5-12-21-29-30-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Angat na angat ka ngayon, kaya ang payo ay nagsasabing huwag mong kalilimutan ang hi­rap na iyong pinagda­anan sa nakaraan nang sa ga­yun ay hindi sumobra ang tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-19-27-31-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalakas ang loob mo at ma­ging ang sarili mo ay hahanga sa gaga­win mo. Paminsan-min­san ay nakagagawa ang tao ng nakamamanghang bagay nang dahil sa lakas ng loob. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-8-10-17-25-32-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapasasaiyo ang hindi mo gusto, pero sa huli ay mauunawaan mo na ito ang gusto ng langit para sa iyo na magbibigay ng tunay na kaligayahan sa buhay mo. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-23-35-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalabas ang matagal mo nang iti­na­ta­gong galing at husay, pero ang paalala sa iyo, hu­wag lalaki ang iyong ulo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-20-24-38-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makinig ka sa nakara­rami. Sa ga­nito, gaganda ang takbo ng mga pangyayari at maiiwasan ang kontra­han para sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-29-30-35-40-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang bagay sa iyo, ‘yun ang gustuhin mo. Huwag kang tumulad sa iba na kahit hindi naman bagay sa kanila ay pinipilit pa rin nila ang kanilang sarili at sa huli ay iiyak na lang at magsisisi. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-16-27-34-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawa­kan mo nang mahigpit ang iyong sarili dahil maa­aring makagawa ka ng mga bagay na hindi mo gaanong napag-aaralan kung makabubuti sa iyo o makasasama. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-20-23-39-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka! Oo, kilos ang kailangan mo at makikita mo na ang lahat ay nagsisimulang pu­mabor sa gusto mo. Ang kawalan ng pagkilos ay nagbababala ng panghihi­nayang. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-6-17-29-35-38-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page