top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw siya matulungan ni Sen. Kiko… SHARON, TODO-EMOTE NA LUBOG SA UTANG, NAMUMUDMOD NAMAN NG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2018
  • 1 min read

SO, namumudmod ngayon ng kanyang mga diamond jewelries sa mga piling kaibigan si Megastar Sharon Cuneta. At maraming nalula sa laki ng halaga ng regalo niyang diamond ring kay Regine Velasquez na ewan kung pabiro, pero sey ni Shawie ay katumbas na ng kinita niya sa show nang ten years!

Bongga! Bale ang diamond ring na siguro ang pinakabayad niya sa Asia’s Songbird na pumayag noon na mag-guest sa kanyang anniversary concert sa Araneta Coliseum. At beshy-beshy na sila ngayon ni Regine V., ha?

Dahil sa pagiging generous ni Megastar sa pagreregalo sa mga friends, eh, bigla naming naalala ang mga emote niya noon sa social media na may malaking-malaki siyang financial problem na dapat i-settle, pero hindi siya matulungan ng kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa pagkakaalam namin, bukod sa investment ni Shawie sa mga mamahaling alahas, eh, marami rin siyang nabili at naipundar na real estate properties. Milyun-milyon ang halaga noon kung gusto niyang ibenta.

Wise sa buhay si Sharon Cuneta at na­paghandaan nang husto ang kanyang future. Never siyang maghihirap sa buhay kahit walang namana sa kanyang ama.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page