top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘Juan’, ‘di raw mababaon sa utang

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2018
1 min read

RELAX lang!” Ito ang gustong iparating ng gobyerno sa mamamayan kaugnay sa mga pautang na iginawad sa atin ng China.

Ayon sa Department of Finance, walang basehan ang mga alegasyon na baon na sa utang sa China ang bansa.

Kalkulado umano ang bawat utang na inihihirit ng ban­sa sa mga foreign debtor dahil batid nila na ang taumbayan na mga taxpayer din ang magbabayad nito.

Sabay hirit na magagamit sa tama ang mga inutang, parti­kular na sa mga infrastructure project ng gobyerno.

Sa ilalim ng Duterte administration, nakapagsara na uma­no ng dalawang debt deals ang pamahalaan sa China.

Kabilang dito ang $72.49 million na nakalaan para sa Chico River Irrigation Project at P18.724 bilyon para sa New Cen­tennial Water Source-Kaliwa Dam Project.

Simula pa lang, alam naman na ng administrasyong ito kung gaano kalala ang korupsiyon.

Hindi maubus-ubos ang mga kapalmuks!

Kaya dapat lang na bantayan ang pondo. Ilayo sa bulsa ng mga kawatan.

Sa huli, taumbayan din ang huhusga kung may pinatu­nguhan nga ba ang perang inutang.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page