top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Walang time, kaya dehins makapag-chill? 6 HASSLE-FREE DESTINATIONS SA METRO MANILA, ALAMIN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2018
  • 2 min read

MGA bes, ano ang naipon ninyo ngayong taon bukod sa taba at stress? Lahat tayo ay relate much d’yan kaya naman bago matapos ang taong ito, halina’t bawasan ang eyebags at mag-relax muna tayo!

Narito ang ilan sa mga lugar na hassle-free lalo na at dito lang sa Metro Manila ma­tatagpuan ang mga ito:

1.ELITE BOXING AND MUAY THAI. Kung gusto ninyong matuto ng self-defense at pang-relax na rin sa inyong busy schedule, ito ang perfect place para sa inyo. Don’t worry, mga bes, dahil may tatlo itong branches kaya naman anywhere ay keri na nating puntahan. Ang mga branch nito ay nasa 109 Esteban Street corner VA Rufino, Legazpi Village, Makati City; One Orchard Road Condominium, Eastwood City, Cyberpark, E. Rodriguez Avenue, Quezon City at Padilla Building, F. Orrtigas Jr. Road, Pasig City.

2. BARK CENTRAL. Hoooman! Hinihintay na tayo ng ating mga fur buddies na mata­tagpuan sa 4/F Eastwood Mall, East­wood City, Quezon City! Puwedeng-puwede ta­yong mag-relax sa pamamagitan ng pagyo-yoga with a twist dahil sasamahan tayo ng ating fur babies! Swak na swak sa budget, kaya naman para sa iba pang details, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa https://www. facebook.com/barkcentralph/.

3. CLUB MANILA EAST. Kung gusto naman ng medyo extreme water sports, ito ang best place para sa inyo! Ihanda na ang inyong swim wear at surfing

board at sugod na sa Kilometer 24, Manila East Road, Taytay, Rizal! Dito rin madalas nagte-train ang Philippine Surfing Academy dahil may sarili itong wave pool. Hindi na kailangan pang pumunta sa malalayong lugar para lang makapag-surf. Oh, ‘di ba, bongga?

4. VIRTUAL PH. Tayong mga millennial, gusto nating updated tayo kahit saan. Kaya naman in ngayong panahon ang virtual sa pagpatay sa mga zombie at sa pagsakay sa roller coaster! Siguradong mag-e-enjoy ka sa mga inihanda nitong activities. Ito ay matatagpuan sa 5/F Ayala Malls Feliz, Marcos Highway corner J.P Rizal, Barangay Dela Paz, Pasig City.

5. CITY CART RACING PAM­PANGA. Kung feel ninyong mag-road adventure, pero in a safe way, ito na ang perfect place para sa inyo! Ito ay matatagpuan sa Sandbox Alviera, Porac Access Road, Porac, Pampanga. Siguradong walang traffic dito, kaya iwas-stress!

6. THE BREAK ROOM. ‘Yung feeling na sabay-sabay ang deadlines, stress at problema, kaya gusto mo na lang ibato ang gamit na malapit sa’yo. Ito na, mga bes, ang pinakahihintay nating lugar kung saan puwede kang maglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng pagsisira ng mga gamit kahit pa ang mga iniregalo sa inyo ni ex! Dito lang ‘yan sa G/F Paragon Plaza Bldg., EDSA cor. Reliance St., Mandaluyong City!

Kaya kung nadadamay na kayo sa stress na dala-dala nina Ace at Jade sa Halik ay siguradong mapapawi rin ang lahat ng ‘yan lalo na kung kasama ninyo ang inyong loved ones sa mga lugar na ito! Taralets na, mga bes!

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page