Ex-BF, kilalang-kilala… SHARON, 'DI INAKALANG MAGIGING MAYOR SI GOMA
- BULGAR

- Nov 26, 2018
- 2 min read

NAKAKATUWA na tandang-tanda pa ni Sharon Cuneta ang eksaktong date kung kailan niya sinagot si Richard Gomez which is October 11, 1989. Tumagal din daw nang 6 years ang kanilang relasyon na akala ng maraming tao ay isang taon lang.
“Five or six. On and off. Mostly on. Pero lahat ng… Nagtaasan kami ng boses siguro twice lang or thrice. Napakabait ko kasi...” sey ni Sharon sa presscon ng Three Words to Forever na reunion movie nila ni Goma under Star Cinema.
“No, but really, because he’s a good person to begin with. Mapapatawad mo. Mapapatawad mo kasi sobra naman niya akong mahalin.
“Tapos, lahat ng natiis ko sa kanya, pero hindi ko titiisin kahit kalahati nu’n sa sinumang nauna sa kanya o sinumang after niya. Hindi ko natiis ‘yun, sa kanya lang,” pahayag ni Sharon na talaga namang ikinakilig ng mga fans sa studio.
Pero ngayong may sarili na silang buhay, sobrang happy daw siya for Goma for what he has achieved.
“Now, that he’s so happy with Lucy (Torres, his wife), with Juliana (his daughter), my God, I always knew he was going to be successful kasi bata pa lang kami, masinop na ‘yan, eh.
“‘Yung investment niya, paintings, bahay, ‘yung iba, inuuna, sports car. Kami, nu’ng nagde-date kami nu’ng una, L-300 lang,” pagri-recall pa ni Sharon.
Hindi raw niya akalaing magiging mayor si Goma ng Ormoc, though hindi naman daw siya nagtataka dahil ever since ay passionate raw ang aktor sa kahit ano’ng ginagawa nito.
“Alam ko naman ‘pag committed siya sa isang bagay, passionate siya, like all his sports. Well, I saw his trophies then, I don’t know how many trophies he has now. He commits himself and gives it a hundred percent kahit saan.
“So I should have expected that when he became mayor for Ormoc because when he lost the first time he ran, sabi ko, ‘Alam mo, feeling ko, dinaya ka,’” sey pa ni Shawie.
Proud na proud din si Mega kay Goma sa mga na-achieve nito bilang pulitiko at kung gaano na kaganda ang Ormoc ngayon considering na three years pa lang itong nakaupo.
Sa Ormoc kinunan ang pelikula kaya nakita ni Sharon at ng iba pang cast ang ganda ng lugar.
“A lot of the places now are drug-free. It’s beautiful, it’s clean, ang bait pa ng mga tao. ‘Yung pinagsyutingan pa namin, medyo half an hour from the city, ang lamig. Tapos, ang linis ng hangin. It’s so progressive, which is so to me, well, it would have been unbelievable if it wasn’t Richard,” papuri pa ni Sharon.




Comments