top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

3 GOLD MEDALS, PARA SA ASTIG NA ESKRIMADOR NG UE RED WARRIORS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2018
  • 1 min read

NAGWAGI ng tatlong gold medals ang University of the East upang makalapit sa inaasam na panatilihin ang men’s championship sa unang dalawang araw ng UAAP Season 81 fencing tournament sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.

Nakamit ni CJ Concepcion ang individual saber gold habang napanalunan ni Samuel Tranquilan ang individual epee gold sa unang araw ng kompetisyon noong Huwebes.

Muling nagwagi si Tranquilan para sa ikatlong gold ng Red Warriors nang manalo ito sa individual foil event noong Biyernes. Maliban sa tatlong gold medals, nagwagi rin ang Red Warriors ng dalawang silver medals sa pamamagitan nina Tranquilan at Concepcion sa individual saber at foil categories, ayon sa pagkakasunod.

Kasunod naman nila ang De La Salle na may silver at isang bronze habang pangatlo ang Ateneo na may tatlong bronzes sa kalagitnaan ng apat na araw na torneo.

Sa women’s division, nangingibabaw ang Ateneo matapos magwagi ni Maxine Esteban ng gold medal sa individual foil at saber events. Maliban sa dalawang gold, may isa pang bronze ang Lady Eagles nang pumangatlo si Patricia Beatriz Paolo sa individual foil. Kasunod nila ang UST na may isang gold medal na nakamit ni Marielle Peralta sa individual epee, at dalawang bronzes na nakamit nina Mira Dorimon sa individual epee at Cherie Mañago sa individual saber. Nasa ikatlong puwesto lang ang Lady Warriors na may dalawang silvers at dalawang bronzes. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page