Pamilihan inatake, 9 dedbol
ISANG pamilihan ang sumabog kung saan siyam katao ang nasawi at 27 katao ang sugatan sa Orakzai District, Kyhber Pahktunkhwa, Pakistan.
Matagal na umanong focal point sa giyera kontra terorismo ang Orakzai na isa sa semi-autonomous tribal region sa boundary ng Afghanistan.
Ayon sa awtoridad, kasalukuyan pang inaalam kung anong uri ng pagsabog ang nangyari sa naturang lugar.
Naganap ang pagsabog kasabay ng pagsalakay sa Chinese Consulate kung saan tatlong suspek ang binawian ng buhay.





Comments