Kelot dedbol sa kapitbahay
Pabs Hernandez III
Nov 25, 2018
1 min read
QUEZON—Isang lalaki ang sinaksak at napatay ng kanyang kapitbahay, kamakalawa sa Bgy. San Andres Labak, Atimonan sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Manuel Castro, samantalang, ang suspek ay si Ernesto Brozula, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Castro at Brozula na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.





Comments