Ka-level na nina Jennylyn, Jessy, Ellen at Erich… BELA, TODO-BUYANGYANG SA CALENDAR NG ALAK
- BULGAR

- Nov 25, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

EXCITING ang bagong kakaharapin ng aktres na si Bela Padilla dahil ipinakilala na siya ngayon bilang Calendar Girl ng isang brand ng alak.
Kitang-kitang na napaka-glowing at seksi ngayon ng aktres sa kanyang pagrampa at mga teaser photos na lumabas sa social media.
Ikinuwento ni Bela na masaya siya sa kinalabasan ng kanyang photo shoot dahil naipakita nito ang iba’t ibang sides ng kanyang personalidad.
Aniya, “I feel like sa photoshoot na ginawa namin, there will be different photos for every month and all of those photos represent a part of my life. So merong creative, babaeng-babae, strong, independent. I feel like they all somehow represent me.”
Inamin ng aktres na todo ang kanyang pinagdaanang paghahanda dahil pressured siya sa mga sinundang modelo ng naturang brand ng alak na sina Jennylyn Mercado (2015), Jessy Mendiola (2016), Ellen Adarna (2017) at Erich Gonzales nitong 2018.
Pag-amin nito, “‘Yung mga sinundan kong babae, ang se-sexy, eh! I did work out but I didn’t go like super out of my way because I feel like they chose me because of who I am right now. I try to stay as true as I am to myself.”
Kaya ibang definition ng sexy ang ipapakita ni Bela sa calendar na ito. Abangan na lang natin!





Comments