1 patay, 1 sugatan sa van
CAGAYAN—Isang driver ang namatay at sugatan naman ang pasahero nito nang aksidenteng mabangga ng van ang kinalululanan nilang tricycle, kamakalawa sa Bgy. Langagan, Sanchez Mira sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Roger Espanol, samantalang, ang pasaherong sugatan ay si Marcelo Alupani, kapwa residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van na minamaneho ni Max Macadaan kaya nabangga ang tricycle na kinalululanan ng dalawang biktima.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Espanol, samantalang, nakapiit na at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury si Macadaan.





Comments