top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ipinatanggal kay direk sa script… KRIS, 'DI MASIKMURA ANG PUMPING SCENE KAY JAKE

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2018
2 min read

INAMIN ng Kapuso star na si Kris Bernal na tumanggi siyang gawin ang ilang maseselang bahagi sa love scene nila ni Jake Cuenca sa pelikulang Kontradiksyon.

Mismong si Kris ang nag-reveal nito sa aming eksklusibong panayam sa kanya sa last shooting day ng movie nila ni Jake kung saan kasama sa mga kukunang eksena ang love scene nila sa pelikula.

“Kinakabahan ako at sinabi ko talaga na hindi ko ‘yun gagawin. I even asked my manager na parang three restrictions. Parang I gave three restrictions for them. Sabi ko, ayoko nang may magpa-pump and parang magpapakita ng chest. Sabi ko, no,” bungad sa amin ni Kris.

Nakipag-meeting daw ang manager niya sa kanilang direktor na si Niel de Mesa prior to the shoot ng love scene nila ni Jake. Ipinaalam nito na ayaw niyang gawin ang moaning, pumping and breast exposure sa love scene.

“May skin naman na ipapakita but not ‘yung topless. Saka, ayoko talaga nu’ng nagmo-moan ako on screen. May pumping pa, paano ‘yun? I mean, kaya ko siyang iarte but then, it’s against my values, eh. It’s against what I believe, eh,” esplika niya.

Nag-adjust naman daw ang director nila sa mga ipinatanggal niya sa script na dapat ay gagawin niya at naunawaan siya nito. Malaking bagay na naging magkaibigan na sila at nakapag-build ng magandang relasyon.

“Sinabi ko ‘yun kay Jake. Sabi ko sa kanya, ‘Jake, sorry, ha? Doon sa love scene natin, puwede ba, you do all the works. Parang susunod lang ako sa ‘yo kasi mas hasa ka d’yan, eh. Mas alam mo ‘yan, eh,’ Kasi, mas nagpo-portray siya ng sexy roles more than I do. Mas ganu’n ang image niya, eh. Igina-guide naman niya ako.”

Dedma at wala na raw siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ready na rin daw siya sa mga bashers.

“Oo, wala talaga akong pakialam kahit sabihin nilang maarte ako. Kaya nu’ng sinabi sa akin ni Direk Niel ‘yun, sabi ko, ‘Direk, sorry, ha? Hindi ko siya gagawin kung ipapagawa n’yo sa akin ‘yung nasa script.’ I mean, maghanap na lang kayo ng ibang leading lady if kailangan n’yo ng babaeng nagmo-moan at nagpa-pump, at nagpapakita ng boobs. Huwag na lang,” diin pa ni Kris.

Pinakamahirap daw kay Kris ang gumawa ng love scene.

“Ang hirap, eh, especially when, you know, for example you’re not really in love with the person. But here, kailangang ipakita mo na gustung-gusto mo siya. ‘Di ba, ang hirap aktingin nu’n? Paano? Saka at the same time, parang I can’t imagine it doing it to another guy I just met. Ano ba ‘yun, ‘di ba?”

Ang Kontradiksyon ay advocacy film ng nagbabalik na Belstar Films ng yumaong si Bella Tan ng Universal Records.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page