HOROSCOPE | NOBYEMBRE 24, 2018 (Sabado)
- BULGAR

- Nov 24, 2018
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 24, 2018 (Sabado): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na pagkakalooban ka ng magagandang kapalaran ngayon, bukas at magpakailanman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang malalaking suwerte at kabilang sa mga ito ay suwerte sa pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-23-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Salubungin mo nang may masayang pagkatao ang mga nagdaratingang masusuwerteng araw mo. Itakwil mo ang mga negatibong pananaw. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-13-29-30-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Mula sa panalo, muli kang mananalo. Pero, ang mga ito ay hindi mo dapat ubusin na parang hindi mo pinahahalagahan ang mga biyayang kaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-25-31-33-41.
CANCER (June 21- July 22) - Matatamis na araw ang iyong mararanasan na nagsasabing puso mo ay aapaw sa kaligayahan at pagmamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-18-20-27-43-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Itaya mo ngayon ang kapalaran mo at ang panalo ay mapasasaiyo. Ang mga nasa paligid mo ay hindi makapaniniwala na kakaiba ang ganda ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-22-25-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga paladaing, reklamador at mga iyakin. Wala kang mapapala sa kanila at baka ikaw ay mahawa pa. Muli, umiwas ka sa mga palaangal at palakontra. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-11-12-26-37-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bumanat ka, ngayon na! Ang malalaking suwerte ay mapasasaiyo sa mga ikikilos mong nakatuon sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-20-24-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Linisin mo ang iyong isipan dahil ang isip na nakatuon sa negatibong bagay ay magdadala lang sa tao ng sunud-sunod na kamalasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-23-38-41-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi kung hindi at oo kung oo! Huwag mo nang habaan pa ang sasabihin mo dahil ang mahabang pananalita ay nagpapalala lang sa magulong sitwasyon sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-17-25-33-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon na ang pagsisimula ng magagandang kapalaran mo. Ngayon mo rin magagawa ang matagal mo ng ipinangako sa sarili mo na paghahandaan para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-9-14-24-30-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sasakit lang ang ulo mo sa ayaw tumanggap ng paliwanag. Pero, matutuwa ka dahil kapag hindi ka kumibo, maiisip niya na siya pala ang nagkamali at hindi ikaw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-27-33-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo ngayon ang iyong mga kaaway. Tiyak na sila ay matatalo at mapapahiya. Malalaman nila na mahirap ka pa lang maging kaaway. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-25-34-44-45.




Comments