Feeling mga teen-ager pa rin, Lucy at Kiko… SHARON AT GOMA, PANAY ANG PA-CUTE SA ISA'T ISA IN P
- BULGAR

- Nov 24, 2018
- 2 min read

NAKAKAKILIG tingnan ang muling pagsasama ng dating magka-love team na si Megastar Sharon Cuneta at ng ngayon ay mayor na ng Ormoc City na si Richard Gomez.
Parang sa paglipas ng panahon, hindi tumanda ang dalawa. They still look fresh and young and seems to be very much in love with one another what with the display of their loving gestures onstage as the presscon for Three Words to Forever was going on.
Nandiyan ‘yung hinahaplus-haplos pa ni Mega ang mukha ni Goma.
Goma admitted naman na “love” is still around except for the fact na nasa ibang level na ito. May kani-kanyang pamilya na nga naman siyempre sila ni Shawie.
Ang pelikula ay kinunan sa Ormoc City mismo, ang lugar na pinamumunuan ngayon ni Mayor Goma. All members of the cast namely: Kathryn Bernardo, Tommy Esguerra, Liza Lorena and Joross Gamboa were all praises sa nagawa ni Goma sa Ormoc. It could be considered now as one of the tourists spots in the Philippines.
Kuwento ng tatlong generation ng pamilya ang nakapaloob sa Three Words to Forever. Una, ang kuwento nina Goma at Shawie bilang mag-asawa whose marriage is failing, then ang wedding anniversary ng kanilang mga magulang na sina Freddie Webb at Liza Lorena, at third, ang napipintong kasal nina Kathryn Bernardo at Tommy Esguerra.
First time ni Kathryn na gumawa ng pelikula minus her ka-love team na si Daniel Padilla. Tommy of course ay hiwalay na sa kanyang labs sa loob ng PBB House na si Miho Nishida.
Tommy looks younger with his shorter haircut at bagay sila ni Kathryn. As per feedback of Goma and Mega, mahusay din daw si Tommy despite the fact na hindi ito fluent mag-Tagalog.
Anyway, according to him, New Yorker naman ang role niya who came to the Philippines at na-in love kay Kathryn.
Compared to the movie Mega made with Robin Padilla, she said ito ay punumpuno ng drama, whereas ‘yung kay Robin ay comedy.
Senyales ang pelikulang ito ng muling pagbabalik ng mga walang kamatayang love teams at masasabing hanggang ngayon, marami pa ring tumitiling fans kina Goma at Mega.
Natanong si Kathryn kung wala ba siyang pressure na napi-feel ngayong for the first time ay hindi niya kapareha si Daniel Padilla.
She said, “Happy ako sa pagkakataong makagawa ng isang pelikulang pampamilya. Kung kumita ang pelikula more than what we expect, bale bonus na ‘yun.
“Iba ito kesa ‘yung ginawa namin ni DJ. Here, maipapakita namin ang kakayahan naming umarte outside of the love team. If appreciated by the viewers, mas nakakatuwa kasi you were able to do what you are supposed to accomplish.”
Ibig sabihin, ready na talaga si Kathryn na gumawa ng project na hindi kasama ang mahal niyang si DJ.





Comments