top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sumikat lang dahil anak ni Piolo… HIRIT NG NETIZEN: IÑIGO, 'DI NAMAN GUWAPO, LAKAS NG LOOB MAG-A

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2018
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HINDI nakapagpigil si Iñigo Pascual na pumatol sa isang netizen na todo-bash sa kanya sa Twitter.

Nagsimula ito nang sabihin ng basher na may account name na @Imagine55049214 kay Iñigo ang, “Mas gwapo pa si Nick sayo @OneInigoPascual.”

Sinagot ito kaagad ni Iñigo ng, “Patingin nga ng mukha mo... lmao.”

Ininis pa ng aktor ang basher at sinabing, “@Ima­gine­55049­214 lol alam kong mahal mo ko... obsessed na obsessed ka sa ‘kin.”

Hinamon pa ng singer ang basher na hintayin daw nito ang iba pa niyang posts at mag-iwan ng comment dahil nag-i-enjoy siya.

Sumagot ang basher at sinabing hindi naman niya kailangang magpakita ng mukha dahil hindi siya artista.

Aniya, “No need kahit naman panget ako di naman ako artista e ikaw di ka naman gwapo pero ang lakas ng loob mong mag-showbiz.”

Hindi pa rin nagpaawat ang basher at bumanat pang, “Kung ‘di ka anak ni Piolo ‘di ka makakapasok sa showbiz with your looks, ‘di ka talaga artistahin.”

Mukhang natameme na lang ang anak ni Piolo at nag-reply ng, “Inggit ka?”

Naku! Mukhang mapagsasabihan na naman ni Piolo ang kanyang anak dahil sinabi nito dati na palagi raw niyang pinagsasabihan si Iñigo kapag sumasagot at pumapatol sa mga bashers.

Pero, kung minsan talaga ay hindi na rin nakakatuwa ang mga banat at paratang ng mga bashers.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page