Pusher timbog sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Nov 23, 2018
1 min read
CAVITE—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Burol 1st, Dasmarinas City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Junmar Alquino, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Alquino na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments