PACMAN, MAGRERETIRO SA 2021

MAGRERETIRO raw sa susunod na tatlong taon bilang professional boxer si Manny Pacquiao, aniya sa TMZ kahapon na lumabas sa Philboxing.
Ang 39-anyos na may naitalang 60 wins, 7 panalo at 2 draw ay may apat lamang na laban mula nang matalo sa unanimous decision kontra Floyd Mayweather noong Mayo 2,2015.
Gayunman, nakaiskedyul siyang lumaban kay Adrien Broner sa Enero 19 sa Paradise, Nevada para sa WBA welterweight title.
Nakausap ni Pacquiao ang Agence France-Presse hinggil sa posibilidad ng pagreretiro nitong taon at ang Hulyo 15 na laban kay Lucas Matthysse ay magsisilbing basehan ng kanyang future sa boxing. Nagwagi si Pacman sa technical knockout kay Matthysse upang mapalawig pa ang karera.





Comments