top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kaarawan ni Propeta Muhammad, inatake | 50 TODAS SA SUICIDE BOMBER

Joy Repol Asis
Nov 22, 2018
1 min read

INATAKE ng hindi pa nakikilalang suicide bomber ang pagsasama-sama ng Islamic scholars para sa kaarawan ni Propeta Muhammad sa Kabul, Afghanistan.

50 katao ang nasawi at 83 ang sugatan matapos ang pagsabog, ayon kay Public Health Ministry Spokesperson Wahid Majroh.

Pinaghihinalaan ng awtoridad ang Taliban o mga affiliate ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod ng insidente matapos ang ilang beses na pag-target sa mga religious scholar.

Kasalukuyan nang nakasara ang mga kalsada na papunta sa pinangyarihan ng insidente.

Nag-abot ng pakikiramay sa kaanak ng mga nasawi si Pakistani Prime Minister Imran Khan kasabay ng pagkondena nito sa insidente.

Sa ngayon ay wala pa ring umaako ng responsibilidad sa nasabing insidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page