Gov’t. employees, inuulan ng bonus!
- BULGAR

- Nov 22, 2018
- 1 min read
GOOD news sa mga nagtatrabaho sa gobyerno, may makukuha pang dagdag-bonus ang mga piling empleyado.
Bukod sa 13th month pay, year-end bonus at cash gift, may one-time cash benefit pa.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ipamamahagi ito simula Disyembre 15, alinsunod sa collective negotiation agreement.
Ito ay ibinibigay sa management at maging sa rank and file employees ng mga ahensiya na nakamit ang kanilang performance targets habang nakatulong sa pagtitipid sa pamamagitan ng cost-cutting measures.
Kasali r’yan ang mga personnel na regular, kontraktuwal o casual na maaaring full-time o part-time sa national government agencies, kabilang ang state universities and colleges, local government units at iba pa.
Samantala, depende naman ang halaga ng nasabing incentive sa mga kondisyon na nakalagay sa DBM circular at sa pondo.
Gayunman, ayon sa batas, hindi lalagpas sa P25, 000 ang maaaring maibigay sa isang kuwalipikadong empleyado.
Ito ‘yung sinasabi nating may kapalit ang katapatan at pagsisikap sa trabaho.
Bilang mga lingkod-bayan, kayo ang nagsisilbing kinatawan ng ating gobyerno.
Batid natin na mahirap humarap araw-araw sa iba’t ibang tao na may iba’t ibang ugali.
Hindi maiwasan na maubusan ng pasensiya pero, ito ang sumusubok sa ating pagiging public servant.
Kaya saludo tayo sa mga government employee na nananatiling tapat, masigasig at masayahin sa trabaho.





Comments