WESTBROOK AT SMITH, NIYARI NINA HIELD AT GASOL


TATLONG sunod na tres puntos ang itinarak ni Buddy Hield sa huling bahagi ng 4th quarter at umiskor ng 25 puntos, habang si Marvin Bagley III ay unang nakagawa ng career double-double nang gapiin ng Sacramento Kings ang Oklahoma City Thunder 117-113 kahapon upang dismayahin ang pagbabalik laro ni Westbrook.
Umiskor si Iman Shumpert ng 21 sa first half, dumagdag si Bogdan Bogdanovic ng 16 puntos nang talunin ng Kings ang Thunder sa ikalawang ulit ngayong season. May 15 points si Bagley at 13 rebounds habang si De’Aaron Fox ay may 13 assists. Nakagawa si Westbrook ng 20 points at 13 assists sa muli niyang pagsalang sa lineup si Billy Donovan mula noong Nob. 6 na pagkabakante. Absent sa limang laro ang All-Star dahil sa left ankle sprain, tapos ay umuwi ng maaga bago matapos ang game para puntahan ang misis na nagsisilang ng kambal niyang baby daughter. Dumayo siya sa Sacramento at muling lumaro sa Thunder.
Sa iba pang laro, humalibas si Mike Conley ng 28 puntos habang si Marc Gasol ay may 17 puntos at 15 rebounds nang isara ng Memphis Grizzlies ang kalamangan sa 4th quarter kontra Dallas Mavericks, 98-88.
May 13 puntos si Jaren Jackson Jr., may 12 si Garrett Temple nang pagwagian ng Memphis ang 4th straight at ika-6 sa huling 7 laro. Namuno si Dennis Smith Jr. sa Mavericks sa 19 points at 5 assists. Dumagdag si DeAndre Jordan ng 17 points at season-high 20 rebounds. Ang pagkatalo ang pumutol sa four game-winning streak ng Dallas at napigilan ang Mavs na umalagwa sa higit 100 puntos sa unang beses ngayong season. (ATD / MC)





Comments