Ospital niratrat, 4 todas
APAT katao ang nasawi sa insidente ng pamamaril sa Mercy Hospital sa South Side, Chicago, U.S.A.
Nagsimula umanong mamaril ang suspek sa parking lot ng ospital.
Unang napatay ng suspek si Dr. Tamara O’Neal na fiance umano ng suspek.
Patuloy na namamaril ang suspek dahilan upang habulin siya ng mga pulis.
Nasawi rin matapos tamaan ng bala ang isang staff sa ospital at police officer na si Samuel Jimenez.
Nabaril naman ng pulis ang suspek na sanhi ng pagkamatay nito.
Pinaghihinalaang domestic dispute ang motibo sa pag-atake.
Agad inilikas ang mga pasyente at empleyado ng ospital matapos ang insidente.





Comments