top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dahil sa non-stop rollback sa petrolyo; P8 pasahe, ibalik!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2018
1 min read

HIRAP na hirap na ang ilang mga ma­gulang, empleyado at estudyante sa pag­ba-budget ng kanilang pera dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng pamasahe.

‘Yung tipong kahit malapit lang ang pupuntahan nila ay P10 na agad ang dapat nilang bayaran, pahirap naman talaga para sa lahat!

Kasunod nito, bumaba na ang presyo ng langis at ayon kay Deputy Mino­rity Leader Harlin Neil Abayon III, dapat nang ibalik ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) ang P8 singil sa pamasahe dahil nabawa­san na ang presyo ng petrolyo sa kasalu­kuyan.

Gayundin, wala umanong economic at legal basis ang kasalukuyang public transport fares.

Ipinaalala rin ng kongresista sa LTFRB na sumunod sa parametric for­mula ni Transportation Sec. Arthur Tu­gade kung saan awtomatikong maba­bago ang PUV fares kapag nagkaroon ng fare adjustment sa presyo ng mga bilihin, langis at krudo sa merkado, lumalabas na kung nagbababa ang presyo ng petrolyo, gayundin dapat ang presyo ng pamasahe!

Kaya paalala para sa gobyerno, gu­mawa ng paraan upang masolusyunan ang problema ng bayan, hindi ‘yung kung anu-ano ang inuuna at binibigyang-pansin.

Samantala, ang panawagan para sa lahat habang hindi pa tinutugunan ng pamahalaan ang hiling ng karamihan, kumapit muna tayo sa hawakan ng jeepney nang sa gayun ay hindi tayo tuluyang maghirap at lumubog dahil sa patuloy na pagtaas ng pamasahe.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page