top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga kandidato, kating-kati na sa halalan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2018
1 min read

MALAPIT na ang Pasko at nangangamoy halalan na rin.

Hirit nga ng iba, tiyak babaha ng kuwarta. May mga libreng toma at tsibog na sa barangay.

Sasabayan pa ang “Merry Christmas at Happy New Year” ng “huwag n’yo akong kalimutan, ha?”.

Ang matindi, matapos mo silang maalala sa balota, nakakalimutan ka na nila, eh, ‘di wow!

Mabalik tayo sa painom, pakain, pabulong at pakamay, hindi pa man nagsisimula ang campaign period, alam nating nagsimula na silang gumastos.

‘Yung mga pa-tarpaulin tuwing may okasyon, pagbisita sa mga lamay at kung anu-ano pang ganap, malinaw na gastos ‘yan!

Ang problema, hindi pa panahon ng kampanyahan kaya malabo silang makastigo. Sa ngayon, konsensiya lang nila ang kalaban.

Kaugnay nito, isang mambabatas ang humirit na itaas ang halaga na maaaring gastusin ng mga kandidato para sa halalan.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2072, ang mga independent senatorial, partylist at iba pang kandidato ay papayagang gumastos ng P8 mula sa umiiral na P6 sa bawat botante.

Ang mga tatakbo sa ilalim ng isang partido ay maaaring gumastos ng P6 sa bawat botante, samantalang, ang mga partido ay maaaring gumastos ng P8 mula sa dating P5 sa mga lugar na mayroon silang mga lokal na kandidato.

P10 naman kada botante ang budget limit ng mga presidential at vice-presidential candidate.

Sa totoo lang, ‘yang P6 budget sa kada botante ba ay talagang nasusunod? Kung makukuwenta lang lahat ng pag-epal ng mga kapalmuks na kandidato, malamang iilan lang ang matira sa puwesto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page