Kelot namaril 1 dedbol 4 sugatan
- Joy Repol Asis
- Nov 20, 2018
- 1 min read
SUGATAN ang apat katao at isa ang nasawi matapos ang pamamaril sa Watts, Los Angeles, California.
Sa unang imbestigasyon, isang suspek ang nasa likod ng nasabing insidente.
Agad na rumesponde sa naturang lugar ang mga pulis matapos makatanggap ng ulat ng pamamaril at nadatnan ang mga biktima sa loob ng isang bahay.
Nabaril ng pulis ang suspek na kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital.
Ayon sa ina ng suspek, tumawag ito sa kanya at sinabing may gusto siyang patayin.
Hindi pa matukoy ng awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.





Comments