Kaya mas better daw kung serum na lang ang gamitin mo, besh! PAGGAMIT NG MOISTURIZER, NAKAKATAGHIYAW
- Jersy Sanchez
- Nov 20, 2018
- 1 min read

CLEANSE, tone at moisturize ba ang nakasanayan mong skin care routine? Ayon sa mga dalubhasa, dapat mo na raw tigilan ang paggamit ng mga ito dahil dehins ito nakatutulong para sa ninanais nating healthy at glowing skin.
Hala!
Ayon kay Dr. Sobia Ali, lead doctor sa Edinburgh’s Medical & Cosmetic Centre, ang mga taong madalas na gumagamit ng moisturizer ay nagiging dependent sa produkto kung saan maaaring mauwi ito sa pagkakaroon ng wrinkles, acne, rosacea at skin pigmentation.
Dagdag pa rito, ang hydration na kailangan ng mukha ay natural na nanggagaling sa katawan at hindi ito kayang ibigay ng mga nabibiling moisturizer.
Kung regular na inilalagay ang moisturizer sa mukha, hihinto ang pagpo-produce nito ng moisture sa ilang layer ng balat. Ito ay nagreresulta ng labis na pagka-dry ng balat kahit ikaw ay regular na gumagamit ng moisturizer.
Bukod pa rito, ang moisturizer ay maaaring bumara sa pores na nagiging sanhi ng acne, taghiyawat, rosacea at skin pigmentation.
Payo ni Dr. Sobi, mas mainam na gumamit ng serum dahil ito ay sagana sa Vitamin C na nakatutulong sa balat upang ma-repair ito, gayundin, ang nasabing bitamina ay multitasking antioxidant powerhouse na nakapagpapatibay at nakare-renew ng balat.
Oh, ayan mga sis, kung nagtataka kayo kung bakit dry pa rin ang inyong balat kahit nagmo-moisturizer na kayo, eh, alam na ninyo ang dahilan. Kaya subukan n’yo nang gumamit ng serum, okie?
Stay pretty and have a glowing skin, mga sissy!





Comments