top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Isinuka ng Siyete, nag-ober da bakod, waley pa rin… JANNO, ‘DI ISINALI SA X’MAS STATION ID, TODO-SUM

  • Nitz Miralles
  • Nov 20, 2018
  • 2 min read

IDINAAN sa biro ni Janno Gibbs ang tampo sa ABS-CBN sa hindi pagsama sa kanya sa Christmas Station ID ng network. Ipinost nito ang picture sa contract signing niya sa Star Music at nilagyan ng caption na: “Throwback to Sept 12 this year when I signed w/ @starmusicph. Naaalala ko lang. Sila yata ‘di ako naalala e. #wagnyokohanapinsastationid #laki­panglogosalikod.”

Dinelete naman ni Janno ang isa pang hashtag na #asapnilayan.

Sa nag-comment na kaya siya walang show sa ABS-CBN ay dahil lagi siyang late, sagot ni Janno, “Nag-UKG guesting na nga ako, e. Ano’ng oras ‘yun? Nag-Showtime hurado ako ng Magpasikat for 1 week, never akong na-late. Nag-Probinsyano ako ng 3 months halos. Tatagal ba ‘ko du’n kung late ako sa taping?”

Sabi naman ni Janno, hindi talaga siya ABS-CBN talent dahil sa Viva Artists Agency siya may kontrata. Pero ang alam niya, ‘pag Star Records artist ay kasama sa Station ID. Siya lang ang hindi napasama.

Maganda ang sagot ni Janno sa nag-comment na tanggapin niya kung walang mai-offer na trabaho sa kanya at tigilan ang pagpo-post dahil nagmumukha siyang batang nagta-tantrums.

“Honestly I get ur point. I agree. But u don’t know what i have been through. I have tried humbling myself to the higher ups to no avail. I am a patient man. I don’t mind waiting for my moment. All i ask for is a little respect for all the years i’ve contributed. No illusions of being a lead star here. Just respectable work,” at sinundan niya ito ng “I don’t mind waiting for work. Pinag-uusapan natin dito is that I signed up w/ Star Music and i think that entitled me to their Station id as one of their singers.”

Sa mga nagpayo kay Janno na buma­lik na lang siya sa GMA-7, ang sagot nito, hindi rin siya binibigyan ng project ng Kapuso Network.

“Kaya nga ako nag-try sa 2 kasi hindi ako binibigyan ng work sa 7,” at “Ayaw na ng 7 sa ‘kin eh,” aniya.

Nabanggit din ni Janno na lagi niyang kausap si Ms. Lilibeth Raso­nable at sinabi sa kanyang wala pa silang maio-offer sa kanya. Pero, ‘di ba lumipat sa TV5 si Janno, kaya siya nawala sa GMA-7?

Sa tanong kung masama ang loob niya, “Oo” ang sa­got ni Janno at inaming na­lungkot siya na hindi naka­sama sa Station ID.

Sa huli, sabi ni Janno, “I don’t feel sorry for myself. I’m standing up for what i think is right.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page