3 lasing tinaga ng magsasaka
SOUTH COTABATO—Tatlong lasing ang sugatan nang tagain sila ng magsasaka, kamakalawa sa Bgy. Landan, Polomolok sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga biktima na sina Nimilar Baton, Warlito Panay at Renante Panay, pawang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ang tatlong biktima ay inasar nila ang suspek na si Allan Baluyot na naging dahilan para tagain sila ng suspek.
Ginagamot na sa ospital ang tatlong biktima samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments