top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pagbibigay-oras sa bawat miyembro ng pamilya, bigyang-halaga!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2018
2 min read

SA pagiging magulang, isa sa expectations ng marami sa atin ay ang mabigat na pasanin sa responsibilidad at development ng ating mga anak.

Madalas sabihin na kailangan lamang makita ang sitwasyon sa tahanan at ang relationship ng mga magulang sa kanyang mga anak para ma-explain kung bakit ang mga bata ay may misbehavior sa labas ng bahay. Malaki ang epekto ng ating koneksiyon sa ating mga anak sa kanilang pagkatao. Halimbawa, kung emotionally-detached ang mga magulang sa anak nila at hinahayaan lamang, marahil ay hirap sila pagdating sa disiplina gayundin, ang epekto ng parenting na pananakot ang ginagamit madalas sa ganitong paraan ay napipilitang itago ng bata ang kanyang nararamdaman, ilabas sa ibang pagkakataon kaysa sa mga magulang mag-open up.

Sa Palagay natin, kabaligtaran nito ang dapat sitwasyon ng pamilya. Tayong mga magulang ang unang dapat nasasandalan ng ating mga anak sa anumang problemang mayroon sila ngunit, paano nila ito magagawa kung hindi sila malapit sa atin?

As a mother of four children, I really make it a point to nourish the bond I share with them. Masaya ang may magandang relationship with the kids ‘yun bang they feel that they can talk to you because they trust you and know that you respect their views. I make it a point to hear them out when they have problems and to really listen to them.

Walang makapipigil sa atin na maging present sa lahat ng maha­halagang okasyon at pangyayari sa buhay nila. Nakasanayan man natin before na dapat masunod lamang ang mga magulang, sana maintindihan din natin na kailangan nating makinig sa ating mga anak. Hindi one-way street ang parenting, dapat ay may communication and lots of it. Ito ang paraan upang magkaroon tayo ng matatag na connection with our kids which in the long run will benefit the entire family.

Ngayong Nobyembre ay National Children’s Month at ang tema ay ang approach of positive parenting. Sana, all parents reading our column would take time at bigyang-halaga ang pagkakaroon ng meaningful connection with their children.

Dahil kung hindi tayo malapitan ng ating mga anak for their needs and problems, kanino pa sila lalapit?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page