Kagawad timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Nov 19, 2018
1 min read
EASTERN SAMAR—Isang kagawad na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Quinapondohan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Kagawad Ronilo Seberre, residente ng Bry. Naga sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dalawang pakete ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Seberre at sinampahan na ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments