Binatang dehins knows kung paano magmamahal ulit matapos pumanaw ang GF
- ROMA AMOR
- Nov 19, 2018
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Dean, 29 years old. Gusto kong humingi ng payo sa inyo, tatlong taon na noong pumanaw ang girlfriend ko dahil sa aksidente. Sobrang sakit nu’ng nawala siya dahil noong mga panahon na ‘yun ay may plano na akong mag-propose sa kanya. Grabeng kalungkutan ang dinanas ko, pero sinubukan kong magpatuloy sa buhay kahit wala na siya sa tabi ko. Sa ngayon ay may natitipuhan akong babae, kaya lang hindi ko alam kung ito na ba ang tamang panahon para magmahal akong muli. Sa totoo lang, iniisip ko pa rin ang pumanaw kong girlfriend. Okay lang kaya sa kanya na magka-gf na ako? Ano ang dapat kong gawin? Thank you! — Dean
Dean,
Talagang nakalulungkot mawalan ng minamahal sa buhay. Ngunit, masaya kami dahil ipinagpapatuloy mo ang iyong buhay kahit na mahirap ang mga pinagdaanan mo. Ang maipapayo namin sa’yo, kung plano mo nang magmahal muli, pero iniisip mo pa rin ang namayapa mong nobya, huwag kang mag-alala dahil tiyak na magiging masaya siya kapag nakita ka niyang masaya ulit. Huwag mo lang kalilimutan na ipagdasal ang kaluluwa niya at mangako kang hindi siya mawawala sa iyong mga alaala. Kaya mo ‘yan! God bless you!





Comments