Second wedding, sa 'Pinas naman… CHRISTIAN, IKINASAL NA SA BALI
- BULGAR

- Nov 18, 2018
- 1 min read

KINASAL na kahapon, Sabado (Nov. 18) ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa Filipino-American-Irish-Indian fiancée niyang si Kat Ramnani sa Bali, Indonesia.
Very intimate lang ang wedding na ginanap sa Tirtha Bridal Uluwatu Chapel kung saan family and closest friends lang ng couple ang imbitado kabilang na sina Erik Santos at Sam Concepcion.
Pero ‘wag mag-alala ang mga fans ni Christian kung hindi man nila nasaksihan ang kasal ng kanilang idolo dahil balitang may isa pang kasal na gaganapin dito sa ‘Pinas para siguro sa mga hindi nila naimbita sa kanilang dream wedding sa Bali, Indonesia.
Congrats and best wishes, Christian and Kat!





Comments