Rider todas sa jeep
NORTH COTABATO — Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong jeep kamakalawa sa national highway ng Libungan.
Kinilala ang biktima na si Macmac Nibre, residente ng Bgy. Bulanan, Midsayap.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo si Nibre kaya bumangga ito sa kasalubong na jeep na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.
Dinala pa ng mga saksi si Nibre sa ospital pero, idineklara itong dead-on-arrival.





Comments