top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Na-hurt na wala raw siyang utang na loob... SIGAW NI REGINE: 10 TAON AKONG WALANG KONTRATA SA SIYETE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 18, 2018
  • 2 min read

TANGGAP na ni Regine Velas­quez na kasunod ng kanyang paglipat sa Kapamilya Network ay ang mga pambabatikos sa kanya.

Oktubre, 2018 nang pumirma si Regine ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN, pagkatapos maging bahagi ng GMA-7 sa loob ng 20 taon. Mula noon, wala nang patid ang mga natatanggap ni Regine na pamba-bash mula sa mga netizens, na dumating sa puntong nag-isip siyang gu­mawa ng aksiyon para labanan ang cyber­bullying na nararanasan.

Sa pagbisita ni Regine sa Tonight with Boy Abunda last Nov. 16, tinanong siya ng TV host na si Boy Abunda kung ano ang reaksiyon niya sa mga tumawag sa kanyang “walang utang na loob, laos, plastik, at inggrata.”

Bagama’t inasahan niya ang pamba-bash, sinabi ng Asia’s Songbird na hindi niya inasahang magiging big deal ang kanyang paglipat.

Saad niya, “Actually, Tito Boy, sa totoo lang, expected ko ‘yun. Ang hindi ko expected was for the whole thing to be such a big deal.

“I mean if I was Marian Rivera, I would understand. But I’m just Regine Velasquez.”

Sumunod na tanong ni Boy, saan pinakanapikon si Regine sa lahat ng nakuha niyang pamba-bash?

Tugon ni Songbird, “Pinakanapikon? Sa walang utang na loob.

“Not a lot of people know that in my 20 years in GMA, kalahati noon, wala akong kontrata.

“Hindi ko naintindihan kung bakit wala akong utang na loob when my 20 years—half of that—I didn’t have a contract because I wanted to be with them.”

Taong 1998 nang maging Kapuso si Regine at maging regular host ng Sunday variety show na SOP.

Bagama’t nakakagawa siya ng mara­ming proyekto sa GMA, hindi siya exclusive artist nito.

Makalipas ang sampung taon, noong 2008 ay muntik nang lumipat si Regine sa ABS-CBN, subalit hindi natuloy. Sa halip ay pumirma siya ng 10 years exclusive contract sa GMA-7 at nanatili siyang Kapuso for the next 10 years.

Naiyak naman si Regine nang sabihin sa kanya ni Tito Boy na pinagtrabahuhan at pinaghirapan ni Songbird anuman ang tagumpay na nakuha niya ngayon.

Sabi naman ni Regine tungkol dito, “Pero alam mo, looking back, it was not easy, you said gapang talaga.

“But I’m happy now, I have a wonderful husband and I have my son and my daughters, I have my whole family.”

Inamin din ng 48-year-old singer-actress na ngayon na lang siya ulit na-excite pagdating sa kanyang career dahil muli siyang nabigyan ng mga opportunities na mas marami pang magawa.

Mag-uumpisa nang maging regular host at performer si Regine kasabay ng pagri-reformat ng A.S.A.P. na A.S.A.P. Natin ‘To na ang bagong title.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page