top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mister ni Marian, todo-sorry sa mga sablay sa eksena nila… DINGDONG, AMINADONG TAKOT MASAPAWAN NI DE

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2018
2 min read

SOBRANG excited ni Dingdong Dantes na makatrabaho si Dennis Trillo sa Cain at Abel dahil ani­ya, noon pa ay hanga na siya rito bilang mahusay na aktor.

“Noong sinabi sa akin kung ano ang gagawin, saka kung sino ang kasama, sobrang natuwa ako at na-excite kasi siyempre, si Dennis, you know, hanga ako sa kanyang body of work. Hanga ako sa mga choices niya sa kanyang career, sa pagganap niya sa mga roles,” pahayag ni Dong.

Sa sobrang husay nga raw ni Dennis, aminado si Dong na may mga pagkakataon na nate-tense siya kapag papunta siya sa set.

“May mga times na mate-tense ako bago dumating sa set kasi alam kong si Dennis. Gaya ng sabi ko, nasundan ko ‘yung mga trabaho niya. I know he always comes in prepared, so, parang kinakabahan ako na ayokong magkamali dahil siyempre, si Dennis ‘yung nandu’n. Eh, minsan, nag­ka­­kamali ako, ‘Sorry, sorry pare,’” ku­wento ni Dong.

At dahil nga makakatapat nila ang top-rating na FPJ’s Ang Probinsyano, natanong din si Dong kung wala bang pressure sa kanila na malampasan ang serye ni Coco Martin.

“Sa tingin ko, ‘yung material itself, ‘yung hirap ng materyal gawin, du’n pa lang, pressure na sa amin ‘yun. Mas gusto namin na nandu’n ang aming atensiyon kesa sa anumang bagay kasi ‘yun naman ang trabaho namin, na gampanan ‘yung role, eh. Hindi naman para mag-monitor ng ratings,” pahayag ni Dong.

Ang gusto lang daw nila ay maihatid nang maayos ang kuwento ng Cain at Abel at wala raw silang balak makipagku­mpitensiya sa FPJAP.

“We all agree na ‘yung show na ‘yun is in a league of its own and wala naman kami rito para makipagkumpitensiya kaninuman.

“Kasi, naniniwala ako na ‘yung mga manonood, may sariling… may iba-ibang gusto ‘yan at iba’t ibang panlasa. And gagawin namin ang lahat para maibi­gay sa kanila ‘yun,” say pa ni Dong.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page