Chairman tiklo sa shabu
Pabs Hernandez III
Nov 18, 2018
1 min read
ABRA — Isang dating barangay chairman ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Linasin, Bangued.
Nakilala ang suspek na si ex-Chairman John Roosde Balaoag, residente ng Bgy. Lan-ag, Lacub.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng apat na sachets ng shabu sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Balaoag na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.





Comments