HOROSCOPE | NOBYEMBRE 17, 2018 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 17, 2018 (Sabado): Madali mong matatanggap ang iyong mga suwerte basta ipanatag mo lang ang iyong sarili. Iwasan mo ang hindi pagkakaintindihan at lumayo ka sa away at gulo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makahahakot ka ng maraming suwerte kapag nagdagdag ka ng lakas ng loob. Pero, kung maduduwag ka, matatagalan pa ang pag-abante ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-24-38-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka ng lumayo dahil ang mga suwerte mo ay malapit lang sa iyo. Kung maghahanap ka sa malayo, hindi mo matatagpuan ang mga buwenas mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-25-31-32-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit may iniinda kang sama ng loob, ngumiti ka pa rin dahil ang mga ngiti mo ang aakit sa mga suwerteng nasa iyong paligid. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-25-39-42-45.
CANCER (June 21- July 22) - Kalimutan mong nadaya ka ng malapit sa iyo dahil normal lang na madaya tayo kung saan minsan ay nadaraya rin naman natin sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-26-27-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka kaya marami ang nagsisilapit sa iyo. Gamitin mo ito para makatulong sa iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-20-24-33-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang iyong nasasalat, ‘yun ang reyalidad. Ang hindi nahahawakan ay wala pang katiyakan. Mabuhay ka sa katotohanan ng hindi ka malamangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-21-25-30-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagkukubli sa mga hindi magagandang pangyayari ang malalaking suwerte mo. Kaya anuman ang iyong mararanasan, huwag kang aangal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-25-31-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang iniaalok sa iyo kahit pa iba ang gusto mo. Ang Diyos lang ang may karapatang magsabi kung ano ang makabubuti sa tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-15-17-26-30-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nadaragdagan ang handang tumulong sa iyo. Hindi mo man ito tanggapin nang sabay-sabay, makabubuting ang ilan sa kanila ay ireserba mo sa ibang araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-24-25-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matutuwa ka kahit kapos ka dahil kikilos ang langit at pupunuin Niya ng kasaganahan ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-22-25-34-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi makakikita ang hindi naghahanap. Ngayon na ang tamang pagkakataon para hanapin mo ang tunay mong kaligayahan. Muli, hindi makakikita ang hindi naghahanap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-14-18-26-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo munang sagutin ang nagpapakita sa iyo ng interes. Mainam kung uunahin mo muna ang iyong mga pangangailangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-16-25-31-32.




Comments