Ex-chairman timbog sa boga
- Pabs Hernandez III
- Nov 17, 2018
- 1 min read
MISAMIS ORIENTAL—Isang dating barangay chairman ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala, kamakalawa sa Bgy. Aplaya, Jasaan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si ex-Chairman Rizaldy Maghanoy, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na bukod kay Maghanoy ay dinakip din ng pulisya ang kasamahan nitong si Rolly Cahayag.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments