top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gay TV host, ang haba ng hair… CALVIN, HINARANA SI VICE GANDA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2018
  • 1 min read

AYAW na talagang magpaawat sa pagpapakita ng ka-sweet-an sa isa’t isa ang It’s Showtime host na si Vice Ganda at ang nali-link sa kanyang Phoenix player na si Calvin Abueva.

May latest viral video na naman ang dalawa kung saan makikitang nag-bonding sina Vice at Calvin sa bahay ng huli.

Ramdam sa mga kilos at ngiti ni Vice na nag-uumapaw ang ligaya ng puso niya.

Todo-pakilig naman ang ginawa ni Calvin nang animo’y haranahin nito si Vice. Walang paki na kumanta ang bas­ketbolista ng… “I’m all alone without you… But days are dark without the glimpse of you… Now that you came into my life…” na wala mang direktang tinukoy kung para kanino ay obyus namang patungkol sa ‘special friend’ niyang si Vice Ganda.

Tuwang-tuwa ang mga fans ni Vice dahil sa wakas daw, nakatagpo na ito ng lalaking proud na proud sa kanya kahit pa lantad ang kanyang pagiging bading.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page