Dubsmash Queen, ngayong may Arjo na… ALDEN, HAPI DAHIL 'DI NA SILA PINIPILIT NA MAGING MAGDYOWA
- BULGAR

- Nov 16, 2018
- 1 min read

NAGBIGAY na ng reaksiyon si Alden Richards sa pagkaka-link ni Maine Mendoza kay Arjo Atayde. Ayon sa Pambansang Bae, kung saan masaya ang kanyang ka-love team ay susuportahan niya ito.
“Para po sa akin, hindi naman po natin maiiwasan ang pagbabago. So, sa ganu’n pong aspeto naman, ako, kung saan masaya si Maine, saka kung wala naman siyang ginagawang masama, susuportahan ko naman po siya,” pahayag ni Alden.
Nag-uusap ba sila ni Maine tungkol sa personal na buhay nila?
“Honestly po, ‘yung with what’s happening po ngayon with Maine and du’n sa inili-link sa kanya, hindi po namin napag-usapan. Parang ‘pag nagkikita po kami, ‘yung kung ano lang po kami, kaswal lang po,” sagot niya.
Dagdag pa ng aktor, feeling daw niya ay very private na ang ganitong bagay at hindi niya na sinasaklawan.
“Kung magkuwento po sa akin si Maine, okay lang po. Kung hindi, okay din naman po,” he said.
Pero kumusta na ang friendship nila ni Maine ngayon? Nabawasan ba compared sa dati?
“Mas okay po kami. Kasi ngayon, parang walang ilangan, wala na po kami nu’ng parang pressured kami to be somebody else. Parang ngayon, we’re friends and we’re co-workers po sa Eat… Bulaga!, co-host, ‘andu’n na po kami.”
Samantala, ngayong gabi (Nov. 16) na ang finale episode ng Victor Magtanggol at sa pagtatapos nito, nais magpasalamat ni Alden sa mga loyal supporters niya and avid viewers ng serye lalo na nga ang mga bata na nabigyan niya ng kasiyahan at inspirasyon.





Comments