top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Customs, pinayagang ipasok sa bansa ang tone-toneladang basura?! Hmmm…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2018
2 min read

NAHULI na ang motoristang nanuntok sa Angeles City, Pampanga sa nag-viral na video. May plakang “8” ang mamahaling sasakyan ng nanuntok kaya ang unang hinala ay mambabatas ito o kamag-anak ng mambabatas. Pero, itinanggi ng kongresista mula Pampanga na siya o anak niya ang nanuntok. Lumalabas na entertainer ang salarin kaya ang tanong, paano siya nabigyan ng plakang “8” na para lamang sa mga mambabatas? Peke ba ang plaka nito o puwedeng makakuha sa LTO kung may koneksiyon at pera?

Sa totoo lang, bakit pa kailangan ng mga ganyang plaka para sa mga mambabatas, para mas maraming prebilehiyo at mas angat sa ordinaryong mamamayan? Hindi sila puwedeng bigyan ng police escort. Ang pangulo at pangalawang pangulo lamang ang maaaring magkaroon ng police escort sa kalsada. Dapat pag-aralan kung kailangan pa ang mga plakang ito na malinaw na inaabuso lamang.

◘◘◘

Tapunan na ba ng basura ang Pilipinas? Wala pang aksiyon mula sa Canada sa mga basurang ipinadala sa bansa, heto naman ang South Korea. Higit limang libong tonelada ng basura ang ibinagsak na lang sa Misamis Oriental. Anong nangyayari, bakit pinayagang ibaba sa Misamis Oriental ang basura at hindi ito pinigilan ng Bureau of Customs kaya nakalusot na naman? Hindi ganu’n kadali o kabilis ibaba ang limang libong tonelada ng basura at kung nakitang basura ang laman nito, bakit pinayagan itong ituloy?

Gayunman, kailangan mayroong managot dito, maliban sa nagpadala at tumanggap ng kargamento. Kailangang ibalik sa South Korea ang mga basura dahil wala silang dahilan para magtapon ng basura sa ating bansa. Hindi ito dapat tumagal tulad ng basura na nagmula sa Canada, na tila iniiwasan na ang isyu. Kailangang aksiyunan agad ito para maibalik sa South Korea dahil kung hindi, isa na namang sakit ng ulo ito para sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page