top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG MAKAPAG-ASAWANG MULI SA KATAUHAN NG LALAKING ARIES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 15, 2018
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Iniwan ako ng dating live-in partner ko nang magkaanak kami. Ngayon ay sumama na siya sa ibang babae.

  2. Kaya itatanong ko kung ano ang nakaguhit sa aking mga palad, ba­balik pa kaya ang ka-live-in partner ko?

  3. Kung hindi na siya babalik, sa edad kong 29, magkaka-boyfriend o makapag-aasawa pa kaya akong muli?

KASAGUTAN

  1. Kung nabigo at lumuha ka man sa unang pakikipagrelasyon, masa­sabing sa ikalawang pa­kikipagrelasyon ay papa­larin ka na sapagkat ka­pansin-pansing baga­ma’t, pumangit ang una mong Marriage Line (Dra­wing A. at B. 1-M arrow a.) ay sadyang maganda at maayos naman ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M ar­row b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na bagama’t, nagkamali ka ng lalaking minahal sa unang pakiki­pagrelasyon dahil nga ma­tapos kang anakan ay ini­wan ka na lang sa kang­kungan at sumama sa ibang babae, huwag kang malungkot at mawalan ng pag-asa dahil sa ikala­wang pagkakataon ay magkakaroon ka ng re­lasyon sa lalaking kayu­manggi ang kulay at medyo maskulado ang pa­ngangatawan, tunay ngang susuwertehin at pagpapalain ka ng tad­hana na madali namang kinumpirma at pinatu­nayan ng magulo mong lagda sa simula at gitnang bahagi, ngunit, unti-unti namang naayos at gu­man­da sa gitna hang­gang sa dulong bahagi.

  3. Ibig sabihin, sa edad mong 29 pataas, unti-unti na ring magbabago at ga­ganda ang buhay mo, partikular na sa pag-ibig at pakikipagrelasyon lalo na kung mula ngayon ay uugaliin mo nang guma­mit at magsuot ng kulay berde at dilaw.

Kung saan tulad ng na­sabi na, sa nasabing mga kulay, hindi ka lang sa love life susuwertehin kundi sa halos lahat ng as­­peto ng iyong buhay tulad ng pananalapi, ga­yundin sa pag-ibig at materyal na bagay.

DAPAT GAWIN

Gerlie, bagama’t, noong mga nagdaang panahon ay nalilito ka sa iyong ka­palaran at magiging kapa­laran ng kaisa-isa mong anak sa pagkadalaga, matapos kang iwanan ng dati mong live-in partner, manalig ka sa sandaling sumapit na ang edad mong 32 pataas dahil magbabago ang iyong kapalaran sa pagdating ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Aries tulad ng nasabi na, ayon sa iyong mga datos, sa pi­ling ng nabanggit na lalaki na siya ring itatalang ika­lawang pag-ibig mo, tiyak ang magaganap, kahit sa­bihin pang single mom ka ay pakakasalan ka pa rin niya at ang nasabing pag-iisang dibdib ay tuluy-tuloy nang hahantong sa isang maligaya at pang­habambuhay na pagpa­pa­milya na magsisimu­lang mangyari sa taong 2019 o kaya sa 2020, sa edad mong 32 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page